Sa panahon ng bagyo at pagbaha, tumataas ang panganib ng leptospirosis β isang seryosong sakit na maaaring makuha sa kontaminadong tubig-baha na may ihi ng daga.
Paano Nakukuha ang Leptospirosis?
Sa paglalakad o paglusong sa baha lalo na kung may sugat, gasgas, o open wound
Sa pag-inom ng kontaminadong tubig
Sa pagkain o gamit na nahawakan ng kontaminadong tubig
Mga Sintomas ng Leptospirosis:
Mataas na lagnat
Pananakit ng ulo at kalamnan (lalo sa binti)
Paninilaw ng balat at mata
Pagsusuka
Pamumula ng mata
Pananakit ng tiyan o kasu-kasuan
Paano Maiiwasan?
Iwasan ang paglusong sa baha. Gumamit ng bota o protective gear kung kailangang lumusong.
Panatilihing malinis at tuyo ang mga sugat
Uminom ng malinis na tubig at iwasan ang pagkaing kontaminado
Linisin ang bahay at palibot upang maiwasan ang daga
Magpatingin agad sa health center o ospital kung may sintomas
Maaari ring uminom ng gamot na pang-proteksyon (prophylaxis) laban sa leptospirosis kung nalusong sa baha β pero itoβy kailangang may gabay ng doktor.
TANDAAN: Maagap na pag-iingat = iwas sakit!
Protektahan ang iyong sarili at pamilya. Iwasan ang leptospirosis.