MENU
GAD CORNER
Ang buwan ng Hulyo ay Hand, Foot and Mouth Disease Awareness Month!
Ang HFMD ay isang nakakahawang viral infection na kadalasang nakaaapekto sa mga bata. Ang mga sintomas ng HFMD ay:
* Lagnat at sakit sa lalamunan
* Masakit na singaw sa bibig
* Pantal at butlig sa kamay, paa, at minsan sa puwitan
Ang Region 1 Medical Center (R1MC) at ang Department of Pediatrics ay kaisa sa pagsulong ng maagang pagkilala at tamang edukasyon upang mapigilan ang pagkalat ng HFMD.
Maaring maiwasan ang HFMD sa pamamagitan ng:
✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan
Ang HFMD ay lubhang mabilis nakakahawa, ang pag-iingat at pag-iwas ang pinakamabisang lunas.
 
hand foot mout disease